BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN
SOUTHERN TAGALOG
306 Nat’l Highway, Brgy. Maahas, Los Baños, Laguna, Philippines
E-mail Address: bayanst@yahoo.com Tel #: (049)536-5378
Press Release: Reference: Arman Albarillo, Sec.Gen.BAYAN-ST
Nov. 27, 2007 Contact number: 09217104859
Hindi kami basura, Tao kami! -
Galit na sumugod sa tanggapan ng National Housing Athority (NHA) sa Quezon Circle ang mga maralitang narelocate sa Cabuyao, Laguna na dating mga nakatira sa baybay riles kabilang ang SMTR, Kadamay-ST at Bayan Muna Southville. Pagkatapos nito ay tutulak naman sila patungong Kongreso upang ilobby ang kanilang mga hinaing. Hindi diumano sila titigil ng panganagalampag hanggat hindi nila nakakamit ang kanilang kahilingan para mabuhay ng maayos sa nasabing lugar na ipinangako ng NHA, ni Noli de Castro at ni Gloria Arroyo.
”Niloko nila kami!” Ito ang pahayag ilang sumama rito sa ilalim ng Saligan ng Mamamayan at Tagapagtanggol sa Relokasyon at Bayan Muna southville. “Ipinangako nila na magkakaroon kami ng maayos na tahanan at kabuhayaan. Sa tabi pala ng gabundok na basura kami itatapon.” Dagdag pa nila, “Marami nang namatay na bata sa dengue at pagtatae dahil sa maruming tubig dulot ng basura. Di pa man kami patay ay impyerno na ang piniparanas nila sa amin.”
Sa kabila ng umabot na sa 12 ang namamatay sa sakit, wala pa ring maayos na programa sa kalusugan ang gobyerno. Dahil narin sa kawalan ng pagkakakitaan hindi nila magawang makapagpagamot sa maayos na ospital. Laging sarado ang nag-iisang health center na wala ring pasilidad at gamot.Ayon sa mga taga Southville, lalo pang humirap ang kanilang kalagayan ngayon sa relokasyon dahil sa kawalan ng hanapbuhay. Karamihan sa mga anak nila ay hindi na nakapag-aral at dumaranas pa ng matinding gutom. May ilang kababaihang napilitan nang magbenta ng katawan sa halagang P20 hanggang P100. Ilan lamang ito sa mala-impyernong buhay na dinaranas nila.
Ayon kay Arman Albarillo lalong darami ang makakaranas ng ganitong buhay kapag ipinagpatuloy ng pamahalaan ang mga demolisyon sa iba’t ibang lugar ng mga maralita, Ayon pa sa kanya, hindi serbisyong pabahay ang ibinibigay ng pamahalaan kundi negosyong pabahay ni Gloria Arroyo at Noli de Castro.
Dagdag pa ni Albarillo ” Duamaranas na ang ating mga kababayan na isa hanggang dalawang beses na lamang kumain sa isang araw. Napakawalang konsensya talaga ng mga may pakana nito. Wala na nga silang ibinibigay na trabaho, may mukha pa silang maningil ng bayad para sa bahay at lupa sa mga kababayan nating walang mailaman sa kanilang sikmura. Wala tayong aasahan sa gobyernong ito kung iaasa lamang natin ang ating kinabukasan sa kanila. Dapat tayong magtulungan at magkaisa para labanan ang nagpapahirap sa taong bayan.”Pagwawakas ni Albarillo
Tinatawag namin ang pansin ng Kongreso at Senado.Gumawa kayo ng aksyon para dito at kagyat na ipatigil ang demolisyon. Imbestigahan ang anomalya sa likod ng proyektong South Rail PNR. Dapat papanagutin si Pangulong Gloria Arroyo at si Vice President Noli de Castro sa sinapit ng ating mga kababayan. Suportahan natin ang laban ng mga maralita para sa buhay na desente at makatao. Hindi sila basura. Gaya natin, mga tao rin sila._______________________
Para sa mga tanong pakikontak po si Tacs : 09286846917

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento