Bagong Alyansang Makabayan Southern Tagalog
Refrerence: Arman Albarillo 09217104859
Lokal na lider simbahang katoliko dinukot!
Nakilala ang dinukot kanina alas kwatro ng madaling araw (4:00am) si Junie Burrey, lider simbahan sa Barangay Mabini, Mulanay Quezon ayon sa pinaabot na impormasyon pinuntahan pinaghihinalaang mga sundalo ng 74th Infantry Batallion ng Philippine Army na nakabase sa lalawigan ng Quezon ang bahay ng biktima sa nasabing lugar at doon naganap ang pagdukot sa kasaluyan ay hindi parin natatagpuan ang biktima.
Kagyat naman nanawagan ang pamilya na palayain ang biktima di umanoy hindi naman ito NPA tulad ng ibinibintang ng mga militar sa lugar dahil ito nga isang lider ng simbahan sa kanyang lugar. Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan Southern Tagalog Secretary General Arman Albarillo hindi lang ito insedente ng pagdukot kundi napakarami na mga ito.
Sa kasalukuyan ay nagsagawa ng ng kampuhang bayan ang mga masasaka na biktima ng pagmamaltrato ng militar sa nasabing lalawigan sila ngayon ay nasa lungsod ng Quezon sa harap ng tanggapan ng Department of Agraian Reporm at inaasahang tatagal hanggat hindi naririnig ang kanilang hinaing at mga panawagan.
Para sa dadag na impormasyon nakipag ugnayan kay Tacs 09286846917
Huwebes, Disyembre 6, 2007
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento